Home NATIONWIDE Special permits sa Undas pinoproseso na ng LTFRB

Special permits sa Undas pinoproseso na ng LTFRB

Sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Lunes na nagsimula na ang pagproseso ng special permit applications bago ang Undas sa Nobyembre .

Sinabi ni LTFRB technical division chief Joel Bolano na pinalawig din ang validity ng special permits na ibibigay ngayong taon.

Ayon kay Bolano, dati aniya ay 3-4 days ang binibigay ng LTFRB  pero ngayon ay hinabaan na mula October 30 hanggang November 6.

Ipinaliwanag no Bolano na pinalawig nila ang validity ng special permit upang tugunan ang kakulangan ng pampublikong transportasyon tuwing holidays. Jocelyn Tabangcura-Domenden