MAAARI nang kontakin ng mga lokal at dayuhang turista ang one-stop call center na maaaring tugunan ang kanilang mga concerns na may kinalaman sa kanilang pag-byahe.
Nauna rito, inilunsad ng Department of Tourism ang kauna-unahan at sentralisadong multi-platform Tourist Assistance Call Center sa isang seremonya sa tanggapan ng departamento sa Makati City.
“The effort of the Department of Tourism is to ensure that we continue to provide jinnovative services to the industry that correspond to the demand of our customers and clients,” ayon kay DoT Secretary Christina Garcia Franco sa isang mensahe sa idinaos na event.
“We foresee that by providing this tourist assistance call center, this will enhance the tourism experience,” ayon pa rin sa Kalihim.
Samantala, si Franco ang unang tumawag sa hotline. Kris Jose