MANILA, Philippines – Isinagawa ang special voters registration para sa person’s deprived of liberty sa New Bilibid Prison (NBP), ayon sa Bureau of Correction (BuCor).
Sinabi ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na nasa 2,431 PDLs ang pinayagang makilahok sa special registration ng Commission on Elections (Comelec) kung saan and kanilang mga kaso ay nakaapela.
Handa na aniya ang pagsasaayos sa seguridad para sa special registration.
Samantala, 500 PDLs mula sa NBP ang nailipat sa San Ramon Prison at Penalty Farm noong Linggo.
Sa nasabing bilang, 200 ay mula sa maximum security compound , 200 mula sa medium security compound at 100 mula sa Reception and Diagnostic Center. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)