Home METRO Spiderman ng La Loma arestado sa shabu

Spiderman ng La Loma arestado sa shabu

197
0

MANILA, Philippines – Arestado ang tinaguriang Spiderman ng La Loma matapos mahulihan ng shabu sa anti-criminality operation ng mga pulis sa kahabaan ng A. Bonifacio Avenue, Quezon City kaninang madaling araw Hunyo 1, 2025.

Sa ulat kay Quezon City Police District PCOL. Randy Glenn Silvio DDDA/OIC kinilala ang nadakip na suspek na si John Christopher Salalila, 19, binata, walang trabaho at residente ng 2nd Street, Manila North Cemetery , Brgy. 372, Zone 37, Manila City.

Ayon kay PSSg Christopher Bermejo investigator ng QCPD station 1 Laloma nadakip ang suspek sa kahabaan ng A. Bonifacio Avenue malapit sa kanto ng Magnas Street, Brgy. NS Amoranto, QC dakong 3:00 ng madaling araw Hunyo 1, 2025 (Linggo).

Sinabi ni Bermejo na nagsasagawa ng anti-criminality patrol ang mga pulis na sina PSSg Emiliano Aurelado Jr. at Pat Rolan Francis Casimiro, TMRU La Loma police sakay ng isang pribadong motorsiklo sa kahabaan ng A. Bonifacio Avenue nang mamataan nila ang suspek habang tila spiderman na bumababa sa pader ng North Cemetery.

“Habang pababa yang suspek sa pader ng North Cemetery napansin ng mga nagpapatrulyang pulis ang kahina hinalang kilos nito ” sabi pa ni Bermejo.

Agad sinita ng mga pulis ang suspek at akma pa sanang tatakbo subalit agad nahawakan ang kamay nito ng mga pulis at nabisto ang maliit na plastic sachet sa kamay nito na naglalaman ng shabu.

Kaugnay nito itinanggi naman ng suspek na sa kanya ang nakuhang shabu at sinabing napulot lamang daw nya ito.

Nakuha mula sa suspek ang tinatayang 0.10 gram ng hinihinalang shabu na may street value na P680.00.

Kasalukuyan ngayon nakapiit ang suspek sa naturang himpilan ng pulisya at nahaharap sa kasong The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here