Home NATIONWIDE Spoiled na bonjing: Nasa likod ng impeachment vs VP Sara binanatan ni...

Spoiled na bonjing: Nasa likod ng impeachment vs VP Sara binanatan ni Imee

271
0

Manila, Philippines – Sa isang matapang na talumpati, tinawag ni Senadora Imee Marcos na “spoiled na bonjing” ang nasa likod ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, habang mariing bumoto ng “OO” pabor sa pag-archive ng naturang reklamo.

“Ginawa ng bonjing na armas ang impeachment,” buwelta ni Marcos, habang nilarawan ang reklamong impeachment bilang isang pampagulong panakot na ginagamit ng mga aniya’y “lulong sa kapangyarihan.”

Aniya, ang impeachment ay hindi na ginagamit bilang mekanismo ng hustisya, kundi bilang sandata laban sa mga kinaiinggitan at kinaiinsecuran.

“Wag na nating busugin ng pabor, wag na tayong pumayag dahil sa pabuya. Wag tayong magpalaki ng buwaya—baby pa nga ang tawag, lulong na.”

Hindi rin pinalampas ni Marcos ang mga kongresistang nasa likod ng reklamo, na tila ba mas inuuna raw ang pagpapatalsik sa halal na opisyal kaysa sa mas mahahalagang isyu.

“Sa mga mahal kong kongresista, may suggestion po ako… Bakit di niyo na lang palitan ang taong kayo lang naman ang pumili?”.

Nanawagan rin ang senadora ng respeto sa Korte Suprema, na nauna nang nagsabing unconstitutional ang reklamo:

“Galangin naman natin ang Korte Suprema, wag tayong umastang Supremer Court. Supremest pa – wala namang ganon!”

Sa huli, muling binigyang-diin ni Marcos ang kanyang boto:
“Bumoboto ako ng malakas na OO!”

Nag-ugat ang lahat ng ito sa mosyon na i-archive ang impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte, kasunod ng ruling ng Korte Suprema na walang sapat na basehan ang reklamo at ito’y lumabag sa due process.

Sa halip na usapin ng hustisya, naging entablado umano ito ng kapritso—ng isang “bonjing” sa kapangyarihan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here