MANILA, Philippines- Tiniyak ni Senate President Francis Escudero sa publiko na masusing hihimayin ng Senado ang lahat ng confidential and intelligence funds na nakatakda sa 2025 National Expenditure Program.
Sinabi ni Escudero na dapat nasa kamay ng law enforcement agencies ang sinasabing spy funds kaysa nasa ahensiyang sibilyan, isang matinding talakayan sa nakarang 2024 national budget.
“Kasi ang pangunahing may trabaho kaugnay niyan ay law enforcement agencies, pero liwanagin ko rin na ‘di ganoon kalibre yung pera ng CIF ha,” aniya.
Nakatakda sa Joint Circular No. 2015-01, na ipinalabas ng budget, interior and defense departments, Governance Council for GOCCs at ang Commission on Audit, kung aling ahensya ang pwedeng bigyan ng CIF at kung magkano ang maaaring gastuin.
Sinabi ni Escudero na naglagay ng probisyon ang Kongreso sa 2024 national budget upang gawin ang paggamit ng CIF na hindi masyadong discretionary.
Pero, tiniyak ni Escudero na hindi babawasan ang CIF ng ilang ahensya kahit mayroon silang masamang performance na maaaring magdulot ng mas negatibong epekto.
“Kung saka-sakali, titingnan namin ‘yung utilization ng intelligence fund. Saan ba napupunta ito para di nila magampanan yung trabaho nila sa kabila ng pondong binigay namin sa kanila?” aniya.
Naglaan ang executive branch ng P5.9 bilyong intelligence expenses — ang spy funds ng military at iba pang uniformed branches of government — na mas mababa sa P8.267 bilyon na inilaan sa 2024.
Nagpanukala naman ng halagang P4.3 bilyon ang confidential funds sa civilian agencies kumpara sa P4.1 bilyon sa 2024 budget.
Bukod sa Pangulo, siyang commander in chief ng lahat ng Armed Forces of the Philippines, kabilang ang mga sumusunod na tanggapan ang may hiwalay na confidential funds:
Department of National Defense, which supervises the AFP
Department of Interior and Local Government, which oversees the Philippine National Police
Department of Justice, which covers the National Bureau of Investigation
Department of Transportation, which covers the Philippine Coast Guard
Department of Environment and Natural Resources
Department of Finance
Department of Social Welfare and Development
Other Executive Offices
Commission on Audit
Office of the Ombudsman
Commission on Human Rights






