MANILA, Philippines- Inihayag ng Presidential Security Command na “committed” ito sa pagbabantay ng seguridad ni Vice President Sara Duterte, ayon sa commander nito ngayong Martes sa pagkaalarma ng bise presidente at mga kaalyado niya sa kanyang kaligtasan kasunod ng pagtanggal ng Philippine National Police sa 75 pulis sa kanyang security detail.
Inalis ang 75 pulis— sa 106 na nakatalaga kay Vice President Duterte — upang tugunan ang kakulangan ng mga tauhan sa National Capital Region, ayon kay PNP chief Rommel Francisco Marbil.
“The PSC remains a professional and mission-oriented [Armed Forces of the Philippines] unit committed to accomplishing its new task of securing the Vice President,” pahayag ni Maj. Gen. Nelson Morales, PSC chief.
“We will accomplish that mission,” dagdag niya.
Ang Presidential Security Group, tungkuling bantayan ang seguridad ng Pangulo at Bise Presidente, kanilang mga pamilya, high-profile visitors, ay ni-reorganize bilang full command.
“The [Vice Presidential Security and Protection Group] is now a sub-unit of the PSC,” giit i Morales.
Nilkha ang VPSPG noong 2022 bilang dedicated unit na nakatutok sa pagbabantay sa Vice President at kanyang pamilya. Mayroon itong 433 tauhan ngayong taon, base sa ulat ng Commission on Audit.
Naglabas si Duterte nitong linggo ng “open letter” kay Marbil, kung saan sinabing ang pagbawi sa 75 pulis ay bahagi ng “political harassment” laban sa kanya, kung saan iginiit na ang mga pulis na tinanggal ay mga tauhang pinagkakatiwalaan niya.
Inihayag din niya ang pagkabahala sa kaligtasan ng kanyang pamilya.
Dahil dito, nanawagan si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, dating PNP chief, sa retired police at military personnel na magboluntaryong bigyan si Duterte ng karagdagang seguridad. RNT/SA