Home OPINION SSS CALAMITY LOAN ASSISTANCE, NAPAKINABANGAN NG MAHIGIT 70,000 MIYEMBRO

SSS CALAMITY LOAN ASSISTANCE, NAPAKINABANGAN NG MAHIGIT 70,000 MIYEMBRO

200
0

NAKAPAGBIGAY ang SSS o Social Security System ng mahigit Php 1.15 bilyon na halaga ng calamity loan assistance sa halos 70,000 miyembrong naapektuhan ng sunod-sunod na bagyo noong taong 2024.

Ayon kay Carlo Villacorta, SSS acting head para sa Public Affairs and Special Events Division, noong nakaraang Nobyembre 2024 ay nag-alok ang SSS ng calamity loan para sa mga kwalipikadong miyembro na na­sa mga lugar na sinalanta ng mga tropical cyclones na sina Kristine, Marce, Nika, Ofel, at Pepito.

“Ang sunod-sunod na mati­tinding kalamidad ay lubos na nakaapekto sa pinansyal na kalagayan ng ating mga miyembro. Bilang tugon, marami ang agad na nag-avail ng aming calamity loan assistance upang palitan o kumpunihin ang kanilang mga nasirang ari-arian. Umaasa kami na ang mga pribilehiyong pautang na ibinibigay ng SSS ay makatutulong sa kanilang ganap na pagbangon,” ani Villacorta.

Ipinaliwanag niya na ang calamity loan ay ibinibigay sa mga miyembrong naninirahan o nakatira sa mga lugar na idineklarang nasa ilalim ng state of calamity ng NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Upang maging kwalipikado pa­ra sa calamity loan, kailangang may hindi bababa sa 36 buwang kontribusyon ang miyembro, anim dito ay kailangang nai-post sa loob ng nakaraang 12 buwan ba­go ang buwan ng paghahain ng aplikasyon para sa loan.

Samantala, ang mga indibidwal na nagbabayad ng kanilang kontribusyon tulad ng self-employed, voluntary, at land-based Overseas Filipino Worker na miyembro ay kailangang may hin­di bababa sa anim na posted monthly contributions sa ilalim ng kasalukuyang uri ng member­ship bago ang buwan ng apli­kasyon ng loan upang maging kwalipikado.

Bukod sa mga kinakailangan sa kontribusyon, ang mga apli­kanteng miyembro ay dapat:

• Walang anomang final be­nefit claim tulad ng permanenteng total disability o retirement;

• Walang overdue na SSS Short-Term Member Loans;

• Walang outstanding na res­tructured loan o calamity loan; at

• May employer-certified loan application online (My.SSS faci­lity), kung employed.
Nagtapos ang pagtanggap ng aplikasyon at mga dokumento noong Disyembre 21, 2024.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here