Home OPINION SSS NAKIBAHAGI SA “BAGONG PILIPINAS SERBISYO FAIR” SA LIPA CITY

SSS NAKIBAHAGI SA “BAGONG PILIPINAS SERBISYO FAIR” SA LIPA CITY

BILANG pakikiisa sa layunin na maipaabot at madama ng mga nasa komunidad ang iba’t ibang serbisyo ng pamahalaan ay nakibahagi ang Social Security System (SSS) sa pangunguna ni President and Chief Executive Officer Rolando Ledesma Maca­saet sa ginanap na “Bagong Pilipinas Serbisyo Fair” sa Lipa City, Batangas nitong August 24 at August 25, 2024.
Personal itong dinaluhan ni First Lady Liza Araneta Marcos alinsunod sa direktiba ni President Ferdinand “BBM” Marcos, Jr. na dalhin ang mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan sa mga nangangailangan. Kasama rin si DOF o Department of Finance Secretary Ralph Recto na nagsilbing punong abala ng service fair.
Naglagay ng booth ang SSS na nagkaloob ng onsite services at mga konsultasyon na pinakinabangan ng mga miyembro buhat sa Batangas at mga kalapit na lalawigan.
Nagpasalamat sina PCEO Ledesma at iba pang mga opisyal  ng SSS sa unang ginang sa pagkakataon na ibinigay sa social insurance agency na makapaghatid ng direktang serbisyo sa ma­mamayan.
SSS PENSIONER PO BA KAYO
NA NANGANGAILANGAN NG PINANSYAL
SA KASALUKUYAN?
Huwag patulan ang mga naglipanang online lending app o loan sharks!
Narito ang SSS Pension Loan Program na nagbibigay ng pagkakataon sa mga SSS pensioner na makakuha ng loan na may mababang interes.
Sa ilalim ng programang ito, maaari kayong humiram ng halaga na katumbas ng inyong tatlo hanggang labindalawang buwang pensyon, depende sa inyong kakayahan.
Ang loan ay madaling maaprubahan at may flexible na terms of payment, kaya’t hindi na kailangang mag-alala. Ito ay para matulungan kayong tugunan ang inyong mga pangangailangan at makapagpatuloy sa inyong masayang pamumuhay.
Ang mga kwalipikadong retiradong pensiyonado ay maaa­ring umutang ng halaga na hanggang sa tatlong, anim, siyam, o labingdalawang beses ng kanilang BMP o basic monthly pension na may karagdagang P1,000 na benepisyo o ang kanilang buong buwanang pensyon na may maximum loan amount na P200,000.
Bukod dito, pagtitiyak ng SSS na ang kanilang net take-home pension ay hindi bababa sa 47.25% ng kanilang buong buwanang pensyon kapag nagsimula silang magbayad ng buwanang amortization para sa pension loan.