Home METRO 3 Chinese tiklo sa P8.1M illegal na droga sa Pasay, Paranaque

3 Chinese tiklo sa P8.1M illegal na droga sa Pasay, Paranaque

MANILA, Philippines – Aabot sa P8 milyong halaga ng illegal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad mula sa tatlong Chinese national sa Pasay at Paranaque City.

Inaresto ang isang 26-anyos na lalaking Chinese sa isang undercover operation ng Philippine National Police – Philippine Drug Enforcement Group (PNP-PDEG) sa Pasay City nitong Miyerkules ng gabi, Agosto 28.

Nadiskubre ng mga awtoridad na aabot sa P7 milyon halaga ng shabu ang ibinibenta ng sindikato.

Nahuli rin itong nagbebenta ng ketamine, kush, ecstasy, at iba pang illegal na droga.

“Nakakita tayo ng tinatawag na mobile kitchen type ng shabu laboratory. Though ito ay maliit lang, nakita natin kung paano niya nagagawan ng paraan na makapag-manufacture itong mga suspek ng iligal na droga,” pahayag ni PNP-PDEG spokesperson Police Lieutenant Dhame Malang, sa panayam ng GMA News.

Sa follow-up operation, arestado rin ang isang lalaki at babaeng Chinese citizen sa Paranaque matapos na subukang bentahan ang isang undercover police ng shabu na nagkakahalaga ng P500,000.

Ayon sa pulisya, ginagamit ng mga suspek ang group chat sa Telegram para makapagbenta ng illegal na droga.

Anang awtoridad, ang illegal na droga na ibinibenta ng mga suspek ay iba sa lokal na bersyon.

“Base sa reports na nakuha natin, mas iba yung tama or mas mababa ang tama nito, at napag alaman natin na yung pagbebenta ng mga nakuha nating illegal drugs ay mas mababa kumpara sa value nito sa market,” ani Malang.

Umabot sa P8.1 milyon ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang illegal na droga. RNT/JGC