MANILA, Philippines – Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr si DTI secretary Maria Cristina Roque na tutukan at tiyakin na mananatiling stable ang suplay ng pagkain para sa mamamayan.
Sa katunayan, sinabi ni Roque na ang atas sa kanya ng Pangulo ay palaging magkaroon ng komunikasyon sa mga manufacturers sa layuning masigurong may sapat na food supply.
Nakapag-ikot aniya sila sa mga grocery at manufacturing plants gaya ng century at kayang makatawid sa suplay ng pagkain ng isang buwan o higit pa.
Kabilang na rin aniya dito ang basic necessities at prime commodities na nasa DTI controlled list.
Mahalaga rin aniyang matiyak ani Roque sa mga imbentaryong ginagawa na available ang mga pangunahing pangangailangan ng ating mga kababayan. (KRIS JOSE)