Home SPORTS Standhardinger nagretiro na sa PBA – Terrafirma

Standhardinger nagretiro na sa PBA – Terrafirma

CHRISTIAN STANDHARDINGER

MANILA, Philippines – Nagdesisyon si Christian Standhardinger na hindi na maglaro para sa Terrafirma sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.

Inihayag ng gobernador ng Terrafirma team na si Bobby Rosales ang desisyon ni Standhardinger na magretiro sa paglalaro at talikuran ang mga natitirang buwan ng kanyang kontrata sa Dyip.

“He notified us that he is planning to retire already,” pagsisiwalat ni Rosales.

“Magre-retire na lang daw siya. We talked to him, pero mahirap kapag ayaw nang maglaro. Anong gagawin natin? Kahit anong pilit mo, kung ayaw nang maglaro, e,” dagdag ng dating  PBA board vice chairman na nagsabing nirerespeto niya ang desisyon ng 35-anyos na Fil-German.

Wala ang dating manlalaro ng Gilas nang simulan ng Dyip ang kanilang kampanya sa Commissioner’s Cup noong Miyerkules kung saan na-absorb nila ang 116-87 beating mula sa Converge FiberXers.

Nang tanungin tungkol sa kalagayan at sitwasyon ng kanilang pinahahalagahan na malaking tao, ang bagong head coach na si Raymund Tiongco ay may misteryosong sagot sa tanong.

“No comment. Alam ninyo na yun,” ani Tiongco habang sumasagot sa tanong kung bakit hindi lumalahok sa ensayo si  Standhardinger sa Dyip.

Ayon kay Rosales, ang kontrata ni Standhardinger ay mag-e-expire hanggang sa katapusan ng taon, at sinubukan ng team na kausapin siya tungkol sa pagtatapos lamang ng deal, ngunit hindi nagtagumpay.

“Yun naman ang gusto namin, maglaro muna siya and tapusin yung contract,” ani ng executive ng Terrafirma.JC