Home ENTERTAINMENT 2 anak ni LT, balak pumasok sa pulitika!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES 2 anak ni LT, balak pumasok sa pulitika!November 28, 2024 14:21 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Hindi na matandaan ni Lorna Tolentino kung kailan lumahok ang kanyang pelikula sa Metro Manila Film Festival.Naalala man niya’y guest role lang daw siya sa MMFF entry na Walang Forever noong 2015.But Ms. LT is back in harness, ‘ika nga.This December 25, mapapanood ang kanilang kalahok sa festival–ang Espantaho–where she shares stellar billing with Judy Ann Santos.Ito ‘yung project na unang inialok kay Vilma Santos, at si Lorna ang naging replacement.Sa ilalim ito ng direksyon ni Chito Roño.But unlike direk Chito’s Feng Shui and Patayin sa Sindak si Barbara (kung saan kasama si Lorna), kakaibang horror film daw ang Espantaho.In the movie, LT plays the role of protective mom to Juday.Maging sa totoong buhay naman ay alagang-alaga ng aktres ang kanyang dalawang anak sa yumaong si Rudy Fernandez, sina Raphael at Renz.And speaking of whom, kung wala sa hinagap ni Lorna ang pumalaot sa mundo ng pulitika ay doon patungo ang kanyang mga anak.Pero in the future pa raw ‘yon habang naghahanda sina Raprap at Renz by way of equipping themselves with knowledge in public governance.Sa ngayon daw muna’y naka-focus ang mga ito sa pagtulong sa mga taong nangangallangan.FYl, dati nang tinangka ni Rudy na tumakbong mayor sa Quezon City many years ago. Ronnie Carrasco III