Home METRO Vintage bomb nadiskubre malapit sa NAIA Terminal 2

Vintage bomb nadiskubre malapit sa NAIA Terminal 2

MANILA, Philippines- Aksidenteng nadiskubre ang isang vintage bomb sa isang kalsada malapit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 sa Pasay City, ayon sa ulat nitong Huwebes.

Ang nasabing bomba, pinaniniwalaang gawa sa Amerika at ginamit sa World War II, ay nahukay ng mga manggagawa sa isinasagawang road widening project sa kahabaan ng Manila International Airport Road.

Pansamantalang sinuspinde ang road widening operation kasunod ng pagkakatuklas sa vintage bomb.

Ayon sa mga tauhan ng Philippine National Police Explosive Ordinance Disposal Unit na nagtungo sa lugar, posible pang sumabog ang bomba.

Dadalhin ang nasabing pampasabog sa PNP Explosive Ordinance Disposal Unit para sa pagsusuri at wastong disposal. RNT/SA