ILOILO CITY- Nagresulta ang pagsirit ng kaso ng dengue sa iba’t ibang lugar sa Visayas na isailalim ng local legislative boards ang lalawigan ng Iloilo at Calbayog City sa Samar sa state of calamity ngayong linggo.
Naiulat ng Iloilo ang 5,836 kaso mula Jan. 1 hanggang Aug. 17, mas mataas kumpara sa 1,127 kaso na naitala sa parehong period noong 2023. Sampung indibidwal ang nasawi dahil sa dengue sa lalawigan sa unang walong buwan ng taon, kumpara sa dalawang nasawi sa kabuuan ng 2023.
Dahil sa 418 porsyentong pagtaas sa dengue cases, nagdeklara na ang Iloilo provincial board ng state of calamity noong Aug. 20, upang tugunan ang kinahaharap na health crisis.
“The situation has reached a point where we need all hands on deck,” pahayag ni Dr. Maria Socorro Colmenares-Quiñon, pinuno ng Iloilo Provincial Health Office.
Samantala, sa Samar, umabot naman ang kaso ng dengue sa Calbayog sa 422 mula Jan. 1 hanggang Aug. 21, mas mataas kumpara sa 83 kasong naitala sa parehong period noong nakaraang taon, batay sa health office ng lungsod. Katumbas ito ng 508 porsyentong pagtaas sa mga kaso.
Ani Calbayog Mayor Raymund Uy na sa deklarasyon noong Aug. 21, maaaring magamit ng city government ang 30 porsyento ng quick response fund nito upang bumili ng mga kinakailangang gamot at kagamitan.
“We urge all our residents to conduct extensive cleanup drives, not only around their surroundings but also inside their homes, especially focusing on containers that can serve as breeding grounds for mosquitoes that carry dengue,” anang alkalde. RNT/SA