Home NATIONWIDE State of calamity sa Bataan inirekomenda

State of calamity sa Bataan inirekomenda

158
0

MANILA, Philippines – Inirekomendang isailalim sa state of calamity ang Bataan dahil sa epekto ng oil spill mula sa MT Terranova.

“Mayroong rekomendasyon na magdeklara ng panibagong state of calamity batay sa epekto ng oil spill,” sabi ni Bataan Provincial Disaster and Risk Reduction Management Office chief Arvin Catipon sa isang ulat.

Samantala, mahigit 17,000 mangingisda na umano ang apektado sa Bataan.

Nagsimula na ring magbenta ng isda sa mas mababang presyo ang mga kalapit na palengke kahit nahuhuli ito sa mas malalayong bahagi ng Manila Bay.

Sa kabila nito, idineklara ng sensory analysis ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na ligtas ang mga isda sa palengke.

“Sa pagmamanman ng ating mga ground personnel, wala naman tayong nakitang mga isda na may traces ng oil spill,” ani BFAR Spokesperson Naz Briguera.

Batay sa pinakahuling Sea Surface Survey ng Philippine Coast Guard, wala nang mga amoy o bakas ng langis na naobserbahan sa mga kalapit na lugar.

Sa kabila nito, ang pagsipsip ng 1.4 milyong litro ng industrial fuel oil ay hindi pa nagsisimula dahil sa kahirapan sa muling pagselyula at pagre-recap sa mga balbula ng barko.

Nag-alok ang United States Coast Guard at ang National Oceanic and Atmospheric Administration of America na tumulong na mabawasan ang oil spill at iligtas ang lumubog na sasakyang-dagat.

Nagpapatuloy din ang diving operations sa ground zero ng leakage. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here