Home HOME BANNER STORY Storm warning signal posibleng itaas sa Batanes

Storm warning signal posibleng itaas sa Batanes

MANILA, Philippines – Binabayo pa rin ni Bagyong Falcon at ng habagay ang ilang bahagi ng Luzon at Visayas, habang napanatili ng Bagyo ang lakas nito habang kumikilos patungo sa dagat sa timog-silangan ng Okinawa Islands, sinabi ng PAGASA nitong Martes.

Sa kanilang 11 a.m. bulletin, sinabi ng PAGASA na ang mga sumusunod na lugar ay magkakaroon ng pagbugsong kondisyon, lalo na sa mga baybayin at kabundukan/mga lugar na nalantad sa hangin:

Batanes, Babuyan Islands, Abra, Benguet, Zambales, Bataan, ang gitna at timog na bahagi ng Aurora, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, at karamihan ng Ilocos Region, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, at Western Visayas

Sa ngayon ay posible na rin ang pagtataas ng Wind Signal dahil sa Falcon sa Batanes dahil sa napakalawak na wind field ng bagyo.

Samantala, ilang lugar sa Bulacan ang nanatiling baha ngayong Martes matapos ang ilang araw na pag-ulan.

Sinabi ng City Disaster Risk Reduction and Management Office na 39 na barangay sa Malolos ang binaha. Samantala, sa Balagtas, baha pa rin ang bahagi ng MacArthur Highway noong Martes.

Sa Calumpit, Bulacan, gumamit ng mga bangka ang mga residente ng Barangay Sapang Bayan sa palipat-lipat habang umabot sa dibdib ang baha. Mayroon pa ring mga binahang lugar sa Malolos.

Dagdag pa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa kabuuang 108 lugar sa anim na rehiyon sa Luzon ang isinailalim sa state of calamity dahil sa pinagsamang epekto ng Bagyong Egay at Southwest Monsoon.

Batay sa pinakahuling ulat ng sitwasyon, sinabi ng NDRRMC na ang mga lungsod at munisipalidad na ito ay nasa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, at Cordillera Administrative Region (CAR). RNT