MANILA, Philippines – Binatikos ng Malakanyang ang taktika ni Vice President Sara Duterte na i-divert ang public attention mula sa aktuwal na usapin na may kinalaman sa kanyang tanggapan sa pamamagitan ng pagti-twist ng naratibo laban sa administrasyong Marcos.
“I think it’s strategy. This is part of their strategy na malihis ang katotohanan na may mga issue silang kinakaharap,” ayon kay Palace Press Officer Claire Castro sa Isang panayam.
Sinabi ni Castro na ang serye ng verbal tirades laban sa gobyerno na naglalayong i-distract ang publiko mula sa usapin na kinahaharap ng Office of the Vice President (OVP), kabilang ang pagbili ng closed-circuit television (CCTV) units, na napaulat na nagkakahalaga ng P200,000 kada unit.
“Bawat isa? Hala. ‘Yun ‘yung nabasa ko sa report. Sinasabi naman ng OVP ngayon na nagkamali lang daw sila sa pagre-report tungkol doon,” ayon kay Castro.
Sinabi pa ni Castro na habang ang OVP ay naunang magpahayag na ang kanilang
planning at reporting ay tama, ang makikita sa findings ng COA ay taliwas.
“Several issues were flagged, including missing reports, insufficient documentation, uncertified beneficiaries, and a lack of feasibility studies,” ayon kay Castro.
Tinukoy din ni Castro ang iba pang unresolved controversies na may kaugnayan sa OVP, kabilang na ang P15-million fund na napaulat na nauugnay sa AFP certificates na ginamit sa panahon Youth Summit, na di umano’y para sa ‘obscure parts’ ng confidential funds.
“So ‘yun po kaya nakakagulat na taliwas. Taliwas sa sinabi ng OVP ng bise presidente itong inilahad ng COA… Sana maging makatotohanan lang naman ang kanyang paglalahad at hindi yung nakikita niya na huwag daw pakinggan ang Palasyo,” ang sinabi ni Castro.
Binigyang diin ni Castro na ang kasalukuyang administrasyon ay transparent sa pagtigon sa mga anomalya habang ang naratibo ng Bise-Presidente ay ang pagbunton ng sisi kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Samantala, sinabi ni Castro na ang OVP ay dapat na magbigay ng ‘accurate, complete, at verifiable reports’ para tiyakin ang tamang management ng public funds at nanawagan ng transparency sa pagtigon sa lahat ng nakanbinbing audit issues. (KRIS JOSE)