Home METRO Strawberry Farm sa Benguet lubog sa baha!

Strawberry Farm sa Benguet lubog sa baha!

171
0

MANILA, Philippines- Halos hindi na makilala ang popular na Strawberry Farm sa La Trinidad, Benguet matapos itong paglubog sa baha dahil sa malakas na pag-ulang dulot ni Bagyong Carina, base sa ulat.

Batay sa ulat nitong Miyerkules, ilang lugar sa Cordillera Region ang apektado ng bagyo.

Ilang sasakyan din ang nawasak dahil sa bumabagsak na debris sa kahabaan ng Kennon Road sa Baguio City. Dahil dito, sinarhan ng mga lokal na awtoridad ang mga apektadong kalsada, ayon sa ulat.

Apektado rin ng baha ang ilang daan sa Baguio City. 

Kasalukuyang binabantayan ng mga lokal na awtoridad ang lebel ng tubig sa City Camp Lagoon sa Baguio City, base pa sa ulat. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here