Home NATIONWIDE Stray bullet incidents sa Metro Manila bumulusok ng 50%, firecracker injuries ng...

Stray bullet incidents sa Metro Manila bumulusok ng 50%, firecracker injuries ng 28% – NCRPO

MANILA, Philippines- Naiulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang “safer” at “more secured” na Christmas at New Year celebrations sa pagbaba ng stray bullet incidents ng 50% sa Metro Manila kumpara sa nakaraang taon.

Inihayag ng NCRPO nitong Huwebes na bumaba rin ang firecracker-related injuries ng 28% habang ang nakumpiskang illegal firecrackers ay tumaas naman ng 1,386%.

“Our security preparations in coordination with the LGUs, other stakeholders and the community paved the way to lesser number of accidents this year,” pahayag ni NCRPO chief Police Brigadier General Anthony Aberin.

“We will further study and analyze the situation in order to come up with more effective measures next year. Let us not rest on this achievement and let us continue to improve the delivery of security services in Metro Manila,” dagdag niya.

Hanggang alas-6 ng umaga nitong Huwebes, sinabi ng Philippine National Police (PNP) na walong indibidwal ang naiulat na sugatan sa 14 stray bullet incidents sa buong bansa.

Karamihan sa mga insidenteng ito ay naiulat sa Metro Manila sa anim na kaso, sinundan ng Zamboanga Peninsula sa tatlong kaso, at Central Luzon, Central Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, at Cordillera Administrative Region sa tig-isang kaso.

May kabuuang 24 indibdiwal naman ang nadakip kaugnay ng 30 naiulat na insidente ng indiscriminate discharge of firearms, base sa PNP.

Kabilang sa mga nadakip sa indiscriminate firing of guns ay dalawang PNP personnel, isang miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP), at Bureau of Corrections (BuCor) personnel.

May kabuuang 822 indibidwal ang naiulat na sugatan dahil sa paputok, ayon sa PNP.

Naaresto rin ng PNP ang 83 indibidwal at nasamsam ang 600,130 illegal firecrackers na nagkakahalaga ng halos P4,046,356.

Noong Miyerkules, naiulat ng PNP ang 27 kaso ng indiscriminate discharge of firearms sa buong bansa sa gitna ng pagdiriwang ng Bagong Taon 2025. RNT/SA