Home NATIONWIDE Subpoena kay VP Sara sa impeachment trial ipauubaya ng Malakanyang sa Senado

Subpoena kay VP Sara sa impeachment trial ipauubaya ng Malakanyang sa Senado

1
0

MANILA, Philippines – SINABI ng Malakanyang na bahala na ang Senado na magdesisyon sa kahilingan ng House prosecution panel na pilitin si Vice President Sara Duterte na dumalo sa kanyang sariling impeachment trial.

Sinabi ito ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro kasunod ng anunsyo ng prosukesyon , araw ng Martes na hangad nitong manawagan kay VP Sara na dumalo sa pagdinig para pagtibayin at kumpirmahin ang kanyang ‘allegation of innocence.’

“Kung ‘yan ang nais ng prosecution at kung papayagan po ito ng Senado, nasa kamay na po ito ng Senado,” ani Castro.

“Hindi natin alam kung ito ang right timing for them. But muli, nasa Senado na ang pagpapasya tungkol diyan,” aniya pa rin.

Matatandaang, mismong si VP Sara aniya ang nagpahayag ng nais nito ang bloodbath sa gitna ng alegasyon laban sa kanya.

‘Malamang kaya ito hinihiling ng prosecution ay dahil mismo naman ang Bise Presidente ang nagsabi na gusto niya ng isang bloodbath. At sinabi niya rin naman before handa siyang humarap patungkol dito at liwanagin ang mga isyu na ito,” ani Castro.

At nang tanungin at hingan posisyon si Castro kung dadalo ba o hindi si VP Sara sa sarili niyang trial kahit pa may subpoena na ilalabas laban sa kanya, “Kung psychologist ako o psychiatrist ako ng Bise Presidente…hindi ko masagot. Hypothetical question.”

Sa ulat, hihilingin ng House prosecution panel ang pagpapalabas ng subpoena kay Vice President Sara Duterte matapos nitong mailatag ang lahat ng apat na artikulo ng impeachment, ayon kay Lead Private Prosecutor Atty. Lorna Kapunan.

Inihayag ito ni Kapunan sa pagsisimula ng ika-23 araw ng paglilitis sa impeachment nitong Martes, Setyembre 8.

Ayon kay Kapunan, hindi muna hihilingin ng prosekusyon ang agarang pagpapalabas ng subpoena dahil nakatuon pa sila sa paglalahad ng kanilang mga ebidensya.

Sinabi niyang nakatakdang humarap si Duterte sa dulo ng proseso.

“At the end of all of these articles, we reserve the right to present the Vice President herself,” ani Kapunan.

Hinimok din ni Kapunan si Duterte na humarap sa impeachment court, igalang ang proseso at patunayan ang kanyang paggigiit na wala siyang kasalanan. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here