Home TOP STORIES Subsidiya sa magsasaka suportado ni Villar

Subsidiya sa magsasaka suportado ni Villar

Naniniwala si Camille Villar, tumatakbo pagka-senador sa May 2025 elections, na malaki pa ang magagawa ng gobyerno para gawing abot kaya ang halaga ng mga pangunahing bilihin sa merkado.

Ayon sa kandidato ng administrasyon, suportado niya ang mga programa na nagbibigay ng subsidy sa mga magsasaka para mapababa ang presyo ng bilihin.

(c) Cesar Morales

Inihantulad niya ang pag-deklara ng food emergency para mailabas ang mga naiimbak na bigas sa mga warehouses ng National Food Authority.

Tinutulak rin ni Villar ang mahigpit na pagpapatupad ng Anti-Economic Sabotage Law na nagpapataw ng kaukulang parusa sa mga rice traders at middlemen na nanamantala sa mga magsasaka.

Sa pangmatagalan na solusyon, gusto rin isulong ni Villar ang pagbibigay ng sapat na kaalaman at kasanayan sa mga bagong generasyon para mas maging handa sila sa pagsasaka. Ganun din ang pagbibigay sa kanila ng kaalaman sa makabagong pamaaraan para sa mas maayos na ani ng mga magsasaka. RNT