Home HOME BANNER STORY ‘Sufficient ground’ sa Sandro Muhlach sexual harassment case vs GMA contractor, solid...

‘Sufficient ground’ sa Sandro Muhlach sexual harassment case vs GMA contractor, solid – solon

(c) Cesar Morales

MANILA, Philippines – Nakakita ng sufficient ground ang komite ng Senado hinggi sa ginawang “sexual abuse” kay Sandro Muhlach ng dalawang independent contractor ng GMA Networks matapos ang isang pagdinig nitong Lunes.

Sa ginanap na pagdinig, sinabi ni Senador Robin Padilla, chairman ng   Senate committee on Public Information and Mass Media  na may sapat na ebidensiya at kadahilanan para kay    Sandro Muhlach upang pumalag sa gitna ng akusasyon laban sa dalawang independent contractors mula  GMA 7, na sina Mr. Jojo Nones at Richard Dode Cruz na kinasuhan ng sexual abuse.

Ayon kay  Padilla, hindi nito puwedeng ilantad ang nakapag-usapan sa executive session pero naniniwala siyang may “sufficient ground” upang sampahan ng kaso ang dalawang contractor.

“May kaukulan dahilan para ma-i-file ang kaso at ito ay malinaw sa aming pagkakainitindi,” ayon kay Padilla.

Sa kanyang bahagi, sinabi ni Nino Muhlach, ama ni Sandro na inabuso ito at ibinulgar na personal na humingi ng patawad ang akusado sa kanilang ginawa sa katuwiran na nagkamali sila ng pangyayari.

Ayon kay Muhlach, naganap ang paghingi ng patawad nina  Jojo Nones and Richard Dode Cruz sa tahanan ni  GMA top honcho and Senior Vice President Annette Gozon-Valdez na inimbitahan sila.

Nilinaw din ng actor na kahit ipinamamalita ng ilang sektor na gumagawa siya ng tsismi hinggil sa kanyang anak, nakahand itong ilantad ang  text messages na nagpalitan sa pagitan nina Sandro at Jojo Nones.

“Masyadong nakakainsulto na pinapalabas na nauna raw nag-text si Sandro sa kanila.  Ilalabas namin ang ebidensiya ngayon mismo na talagang hindi si Sandro ang unang nag text.  I am doing this for my son Sandro at para sa iba pang walang kakayahan lumaban na nakaranas din ng ganito,” ayon kay Nino Muhlach sa pagdinig.

Ayon kay Nino, narito ang ilang sa convo nina Sandro at Jojo:

“Hi Sandro, nakauwi ka na ba,”—Jojo

“Sorry po, hindi po kita nakita kanina.  Naka check in po kami ngayon sa Marriott Hotel,”—Sandro

“Enjoy! Still partying? Sino kasama mo?”—Jojo

“Kasama ko pa po mga friends ko. Thank you Sir Jojo. Hope to work with you again.”- Sandro

“Pagkatapos po ng unang part ng text messaging nila kung saan gusto ni Jojo na dumaan duon si Sandro at nung nalaman ng bata na wala siyang kasama sa Bermont Hotel, hindi na ito sumagot.  And at 4:27 am, nag text ulit si Jojo kay Sandro,” ayon kay Nino Muhlach.

“Hahaha. Just kidding na wala akong kasama.  I am with the Drama Peeps!” – Jojo

“So yung anak ko, dahil binanggit na drama peeps, ang habol ng bata ay trabaho. Nandun ang mga tamang koneksyon. Kaya nagsabi na yung anak ko na pupunta siya.” ani Muhlach.

“May kasama ka? Dito kami sa Bermont Hontel sa Room 700B” – Jojo

“No sir, Ako lang po. Kabababa lang po ng mga friends ko. Yung ang sagot ni Sandro sa kanya. Ganun pa man sinabihan ko ang anak kong si Sandro na mali pa rin kasi yung oras ay hindi na tama,” dagdag ni Nino Muhlach.

Nagbigay ng official statement sina Nones at Cruz pero hindi sila nagsalita dahil ayaw nilang magsalita sa publiko hinggil sa merito ng kaso.

“Hindi naman po namin itinatangging bakla kami.  Sa katunayan, ang pagiging bakla namin ang dahilan kaya kami naging creative, artistic, at nagkaroon ng skills na kailangan sa industriya,” anila.

Humarap sina Nones at Cruz sa pagdinig nitong Lunes upang pabulaanan ang alegasyon ng sexual abuse laban kay  Sparkle artist Sandro Muhlach.

“Inaamin po namin na natakot po kami na ma-subject sa media circus at premature trial. Gayundin po, natakot din po kami na baka malabag po namin ang “confidentiality” ng imbestigasyon na isinasagawa ng NBI (National Bureau of Investigation)  ng nagsimula na ng mga panahong iyon at nagpapatuloy pa rin sa ngayon. Nasabihan po kasi kami na bawal po na ilabas ang lahat ng mga counter-allegations at ebidensya namin sa publiko dahil ayon sa NBI kahit ang allegasyon ng diumanoy biktima ay hindi pa rin nila maaaring ilabas dahil subject pa  ito sa validation ng kanilang ahensya. Lahat pa raw po ng hawak ng NBI ay hindi pa  ebidensya hangga’t hindi pa naipapasa sa piskalya,” anila.

“Subalit matapos po naming mapanood ang nakaraang pagdinig, ay nakita po namin na  hindi mangyayari ang aming kinakatakutan dahil sinabi at siniguro naman po ng kagalang-galang nating Chairman Senator Robin Padilla na hindi magiging korte ang  senado kaya humihingi rin po kami ng patawad sa kagalang-galang natin na senador  Jinggoy Estrada kung naunahan po kami ng takot, kaba at pangamba.” Paliwanag nina None at Cruz sa  formal statement.

Hindi dumalo si Sandro Muhlach sa pagdinig dahil hindi nito kayang humarap sa publiko sanhi ng trauma.

“Sa totoo lamang po. Gustong humarap ni Sandro sa pagdinig na ito ngunit hindi siya pinapayagan ng mga doktor dahil pa raw advisable na humarap siya,” ayon kay Nino Muhlach.

“He is in trauma.  Nakita namin ang symptoms ng trauma and it will exacerbate his condition if we will present him here and we don’t advise that,” ayon kay Robelyne Lumampao, Chief ng NBI Behavioral Science Division.

Sa kanilang formal statement, sinabi pa nina Nones at Cruz na walang nangyari tulad ng ipinamamarali ng kampo ng pamilya Muhlach, at inosente sila sa akusasyon.

“Opo, kami po ang independent contractors ng GMA network na tinutukoy sa mga online  posts na kumalat noong mga nakaraang araw. Subalit, Hindi po kami gumawa ng kahit anong sexual harassment or abuse laban kay Sandro Muhlach! Sa pagkakataong  ito sa harap ninyong lahat, mariing itinatanggi po namin ang lahat ng mapanirang akusasyon na ito laban sa amin,” anila.

“Kami po ay hindi executives ng GMA network. Taliwas sa sinasabi sa amin online, wala  po kaming kapangyarihan o impluwensya sa network lalong-lalo na sa mga artista nito.  Sinabi naman po ng GMA na hindi kami regular employee ng network. Alam po namin  na konting pagkakamali na magawa namin sa produksyon ay maaaring ma-terminate  ang aming kontrata at mawalan kami ng trabaho.  Subalit tumagal kami sa telebisyon ng more or less 30 years, at bago ang pangyayaring ito, ay malawak ang naging kontribusyon namin sa industriya ng telebisyon sa  pamamagitan ng mga naiambag namin na mga award-winning at top-rating television,” giit pa nina Nones at Cruz.

Umapela pa sila kay Sandro Muhlah na magsabi ng katotohanan dahil alam nya ang tunay na pangyayari.

“Kay Sandro Muhlach, wala kaming ginawang masama sayo at alam mo yan! Hindi pa huli ang lahat namagsabi ng totoo,” giit nila.  Ernie Reyes