MANILA, Philippines – Sinabi ng United Nations nitong Lunes na ang pandaigdigang antas kawalan ng trabaho ng kabatan ay nasa pinakamababang antas nito sa loob ng 15 taon, kahit na hindi pa naka-recover ang lahat mula sa Covid-19.
Ang bilang ng 15 hanggang 24 taong gulang na “not in employment, education or training” (NEET) ay nakababahala, sinabi ng UN at itinagdag na ang post-Covid-19 pandemic recovery ay hindi pandaigdigan sa lahat ng rehiyon.
Sa 64.9 milyon, ang kabuuang bilang ng unemployed na kabataan sa buong mundo noong 2023 ay pinakamababa mula sa simula ng millennium, sinabi ng ILO.
Sa 13 percent, ang youth unemployment rate noong nakaraang taon ay kumakatawan sa 15 taong mababa at isang pagbagsak mula sa pre-pandemic raet na 13.8 perent nopong 2019.
Sa ulat ng Global Employment Trends for Youth 2024 ng ILO, nagbabala sa lumalaking kwaswlisasyon ng trabaho para sa mga Kabataan at ang lumalawak na agwat sa suplay ng mga Kabataang nagtapos at ang bilang ng mga angkop na trabaho para sa kanila.
Sinabi pa na maraming Kabataan ang NEETs at limitado ang oportunidad na makakuha ng disenteng trabaho sa mga umuusbong at umuunlad na ekonomiya.
Ang NEET rate ay nanatili sa 20.4 percent noong 2023 at dalawa sa tatlong NEET ay babae.
Ang NEET rate ay 28.1 percent para sa Kabataang babae noong 2023 at 13.1 percent para sa Kabataang lalaki.
Sa buong mundo, mahigit sa kalahating batang manggagawa ay nasa informal employment.
Tanging ang ekonomiya na may mataas o nasa high at upper middle income economies lamang ang karamihan ng mga Kabataang manggagawa ngayon na nasa regular , at ligtas na trabaho.
Ayon pa sa ulat, sa kabila ng positive economic at labour ,market signals, ang mga surveys ay nagpapakita na ang mga Kabataan ay lalong nababalisa tungkol sa hinaharap. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)