Home ENTERTAINMENT Sugar, wagi sa Mrs. Universe Official 2025!

Sugar, wagi sa Mrs. Universe Official 2025!

276
0

Manila, Philippines – Matagal din ang lumukob na hangover kay Sugar Mercado makaraang tanghalin siyang Mrs. Universe Official 2025 na ginanap sa Laguna kamakallan.

Paano ba naman kasi, ang post ng dating Sex Bomb member ay: “Mga misis, umaga na pero hindi ko pa hinuhubad ang korona ko!”

Bukod sa main beauty title, naiuwi rin ni Sugar ang tatlong special awards in Best in National Costume, Best in Evening Gown at Best in Talent.

Hindi nga sukat akalain ni Sugar na magwawagi siya to think daw na isa siyang solo parent.

“Pero pag may pangarap kang gusto mong maabot, walang imposible…not in my wildest dream talaga!” sey niya na walang mapagsidlan ang tuwa.

Utang daw ni Sugar sa kanyang team ang maituturing niyang milestone na ito sa kanyang buhay.

Ito’y sa pangunguna ni Wilbert Tolentino.

Si Wilbert ang mentor niya who was also responsible kung bakit napasok din sa pageantry si Harlene Budol.

Sugar and Herlene share something in common–both were co-hosts of Willie Revillame sa magkaibang panahon.

Hindi malinaw kung anong prize ang natanggap ni Sugar for winning the title.

Pero sa isang video kung saan makikitang nagpamalas siya ng galing sa pagsasayaw, Sugar exuded an aura of victory.

Sino’ng mag-aakalang sa hubog ng kanyang pangangatawan ay may anak na siya?

Talbog! Ronnie Carrasco IiI

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here