MANILA, Philippines – Umakyat na sa anim ang bilang ng mga Filipino na nasugatan sa missile strikes ng Iran sa Israel, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Sa ulat, sinabi ng OWWA na apat na Filipino ang nakalabas na sa ospital habang ang isa pa ay nagpapagaling.
Nananatili namang nasa kritikal na kondisyon ang Filipino caregiver matapos na mabagsakan ng ma debris mula sa gusali na napinsala ng isa sa mga air strike.
Hindi pa ipinatutupad ang mandatory evacuation ngunit sinabi ng Department of Migrant Workers na gagawin nito ang makakaya upang mapauwi ang mga Filipino na gusto nang umuwi sa Pilipinas. RNT/JGC