Home HOME BANNER STORY P6.8M shabu lumutang sa Ilocos Norte

P6.8M shabu lumutang sa Ilocos Norte

MANILA, Philippines – Natagpuan na naman ng isang mangingisda ang plastic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon sa tubig na sakop ng Pagudpud, Ilocos Norte.

Sa ulat, inakala lamang ng mangingisda na tsokolate ang laman ng plastic bag dahil sa maayos nitong anyo.

Nang busisiin ay nakita ng mga awtoridad na ang plastic bag ay may label na “durian” at mayroong foreign writings.

Hindi pa tukoy kung saan nagmula ang hinihinalang shabu.

Ayon sa mga awtoridad, ang nakuhang shabu ay kapareho ng mga natagpuan sa Currimao, Paoay, at Laoag City. RNT/JGC