Home METRO Sulfur dioxide emissions ng Bulkang Taal, bumaba na

Sulfur dioxide emissions ng Bulkang Taal, bumaba na

168
0

BATANGAS, Philippines – Malaki ang ibinaba ng sulfur dioxide (SO₂) emissions ng Bulkang Taal sa Batangas, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Biyernes.

Sa morning bulletin ng Phivolcs, umabot na lamang sa 167 metric tons ang SO₂ na ibinuga ng pangunahing bunganga ng bulkan sa loob ng nakaraang 24 oras, na itinuturing na “mahina” na emission. Mas mababa ito kumpara sa 257 metric tons kada araw na naitala mula Enero 28 hanggang Pebrero 5.

Patuloy rin ang katahimikan ng pagyanig sa bulkan. Mula Enero 29 hanggang Pebrero 6, nakapagtala lamang ang Phivolcs ng pitong volcanic tremors at isang volcanic earthquake, at wala namang naitalang seismic activity noong Biyernes.

Ayon sa Phivolcs, ang volcanic earthquakes ay dulot ng galaw ng magma sa ilalim ng bulkan, habang ang volcanic tremors ay tuloy-tuloy at mababang-frequency na pagyanig na karaniwang tumatagal ng mahigit isang minuto.

Dagdag pa ng ahensya, walang naobserbahang pag-angat ng mainit na volcanic fluids sa lawa ng bunganga ng Taal Volcano Island, at walang namataang volcanic smog o “vog.”

Nanatili ang Bulkang Taal sa Alert Level 1, na nangangahulugang may mababang antas ng kaguluhan. Gayunman, iginiit ng Phivolcs na posible pa rin ang pagsabog, at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island (Pulo), paglalayag sa Lawa ng Taal, at paglipad ng sasakyang panghimpapawid malapit sa bulkan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here