Home HOME BANNER STORY Sumama sa Traslacion 2024 umabot na sa 830K deboto

Sumama sa Traslacion 2024 umabot na sa 830K deboto

MANILA, Philippines – Umabot na sa 830,000 ang mga deboto na sumama sa prusisyon o Traslacion ng Itim na Nazareno, batay sa pinakahuling tala ng Quiapo Church Command Post.

Habang ang mga deboto naman sa Quaipo na dumalo ng Misa at naghihintay para sa pagbabalik ng imahe sa Simbahan ng Quiapo ay umabot na rin sa 11,500.

Ayon naman kay MPD director P/Col.Arnold Thomas Ibay, asahan pa na madaragdagan ang bilang ng mga deboto dahil marami pa ang nag-aabang sa mga ruta kung saan daraan ang andas ng Nazareno.

Ang prusisyon ay nasa kahabaan na ngayon ng Arlegui Street sa Quiapo,Maynila at patuloy ang pagbuhos ng mga deboto mula sa mga nag-aabang at sumasalubong para makahawak sa lubid at makalapit sa Andas ng Itim na Nazareno.

Samantala, naka-standby naman ang ilang mga medical team gayundin ang mga tauhan ng ibat-ibang ahensya ng gobyerno dahil marami pa rin sa mga deboto ang nagpupumilit na makaakyat sa Andas.

Ilan na rin ang naitalang sugatan at mga nahimatay dahil sa hirap na makakalas sa alon ng mga tao. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleDigong duda sa katapatan ng NDFP na wakasan ang insurgency
Next articleP800M natangay sa paluwagan scam sa Pasig