MANILA, Philippines – Isinilbi na ng Senate Sergeant-At-Arms served nitong Miyerkules ng umaga, Hunyo 11, ang writ of summons para kay Vice President Sara Duterte sa opisina nito sa Mandaluyong City.
Kinumpirma ng Office of the Vice President (OVP) ang pagkakatanggap ng summon na inisyu ng Senate impeachment court bandang 11:05 ng umaga.
Si Senate Sergeant-At-Arms Roberto Ancan ang nagsilbi ng summon sa OVP headquarters sa Mandaluyong City.
Sa pagkakatanggap ng summon ay binibigyan si Duterte ng non-extendible period na 10 araw para sagutin ang articles of impeachment laban sa kanya.
Dumating si Ancan at iba pang staff ng Senado sa opisina ng OVP, 10:43 ng umaga dala ang isang kahon at hinahanap ang representative ng opisina na maaaring tumanggap ng summon. RNT/JGC