
MANILA, Philippines – Umabot sa kabuuang 24 dump truck ng basura ang nakolekta mula sa Maligaya Creek sa Caloocan City nitong weekend, sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Miyerkules, Hunyo 11.
Nagsagawa kasi ng cleanup drive ang MMDA at Caloocan City LGU bilang bahagi ng “Bayanihan sa Estero” program, na layong linisin ang mga estero at kanal upang maiwasan ang pagbabaha ngayong tag-ulan.
“At least 24 dump trucks or equivalent to 48 tons of garbage were collected from Maligaya Creek since last weekend until today,” saad sa pahayag ng MMDA.