Home NATIONWIDE Sundalo patay, 4 iba pa sugatan sa naaksidenteng military truck sa TPLEX

Sundalo patay, 4 iba pa sugatan sa naaksidenteng military truck sa TPLEX

99
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang sundalo habang sugatan ang apat iba pa sa naaksidenteng military truck sa Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway sa Villasis, Pangasinan.

Nagpaabot ng pakikiramay ang Philippine Army sa pamilya ng nasawing sundalo.

“His service and sacrifice for the country can never be measured nor forgotten,” sinabi ni spokesperson Col. Louie Dema-ala.

Siniguro rin ng Philippine Army ang tulong sa mga sugatang tauhan na kasalukuyang nagpapagaling pa at under medical observation.

Nakikipag-ugnayan na ang militar sa mga awtoridad para sa masusi at patas na imbestigasyon sa sanhi ng insidente.

Hindi na naglabas pa ng ibang mga detalye kaugnay sa pangyayari. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here