Home NATIONWIDE Sunod-sunod na paninira kay Romualdez bahagi ng “hit or miss” demolition job...

Sunod-sunod na paninira kay Romualdez bahagi ng “hit or miss” demolition job ni Guteza sa Senado – Ace Barbers

332
0

MANILA, Philippines – INIUGNAY ni dating kongresista Ace Barbers ang sunod-sunod na paratang laban kay dating Speaker Martin Romualdez sa tinawag niyang “hit or miss” demolition job na inumpisahan umano kamakailan ni retired Sgt. Orly Regala Guteza sa isang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

Ayon kay Barbers, na dating pinuno ng House Quad Committee, malinaw umano ang pattern ng mga walang basehang akusasyon na tila bahagi ng isang organisadong kampanya ng paninira upang sirain ang kredibilidad ng dating Speaker.

Tinukoy ni Barbers na ang biglaang paglitaw ni Guteza sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong Setyembre 25, 2025, ang tila nagpasimula ng sunod-sunod na mga ulat at walang beripikasyong pahayag na tumatarget kay Romualdez.

Si Guteza, na nagpakilalang dating sarhento ng Philippine Marines, ay nagsabing siya at ilang kasamahan umano ay personal na naghatid ng ilang maleta ng salapi sa mga tirahan nina Romualdez at mambabatas na si Zaldy Co.

Mariing itinanggi ni Romualdez ang akusasyon at tinawag itong peke, malisyoso, at may halong pulitika, at iginiit na walang naganap na ganitong paghahatid.

Pinuna rin ng kanyang legal team ang pagiging kuwestiyonable ng sinumpaang salaysay ni Guteza dahil sa mga hindi tugmang petsa at pangyayari — kabilang ang impormasyong walang nakatira sa bahay ng mga Romualdez noong panahong sinasabing naganap ang naturang pagdala ng male-maletang pera dahil ang nasabing bahay ay sumasailalim sa pagkukumpuni.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here