Home ENTERTAINMENT Carla, said sa pera, nananawagan ng raket!

Carla, said sa pera, nananawagan ng raket!

335
0

Manila, Philippines – Nananawagan ng trabaho si Carla Abellana.

Hindi nga nangiming inamin ng Kapuso actress na matumal ang dating ng mga trabaho sa kanya.

“Mabuti na rin ‘yon kesa wala but I need jobs!” wari’y nagmamakaawa siya sa mga producer.

Totoo namang we all need money pero sa kaso ni Carla–why the desperate need?

“Wala akong pampakain sa mga alaga kong aso…wala rin akong pambayad sa tax!” aniya, saying na umabot daw sa P364k ang suma tutal ng buwis na kailangan niyang bayaran.

Ang buong akala kasi, she needs to raise that much money dahil kalat na nga ang balitang pakakasalan niya this December ang nobyo niyang doktor.

This is the mystery guy who Carla has dated twice, at unang lalaking nagpatibok ng kanyang puso.

So, does that mean that Carla believes in the saying that “Love is lovelier the second time around”?

Tugon ng aktres: “It depends…but if you were wounded so much the first time, it’s a different story.”

Applicable ba ito kay Tom Rodriguez? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here