Manila, Philippines – Hindi pa man ay napakainit na ng pagtanggap ng mga netizens sa comeback movie ni Hilda Koronel.
Ito ‘yung Sisa na opisyal na ilalahok ng bansa sa 29th Tallinn Black Nights International Film Festival.
Ang Tallinn ay kabisera ng Estonia.
Ang Sisa ay mula sa panulat at direksyon ni Jun Robles Lana.
Matatandaang umuwi mula Amerika si Hilda noong isang taon para simulan ang pelikula.
Ayon naman sa ilang netizens, umaasa sila na hindi ito ang karakter na Sisa mula sa nobelang Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal.
Anila, 70 taong gulang na raw ang aktres who has one of the prettiest faces in local showbiz.
Na-realize na lang ng mga ito na hindi hango sa nasabing nobela ang karakter ni Sisa, mother to Crispin and Basilio.
Sa November nakatakda ang Tallinn filmfest.
Pusta pa ng mga hanga kay Hilda, Urian-worthy daw ang inaasahang performance nito sa Sisa whose trailer is already going the rounds of social media. Ronnie Carrasco III