Home NATIONWIDE Suspek sa pagpatay sa Bulacan ABC prexy timbog sa Navotas

Suspek sa pagpatay sa Bulacan ABC prexy timbog sa Navotas

313
0

Bulacan – Arestado sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) ang isa sa apat na suspek sa pagpatay sa Bulacan ABC president at sa kanyang driver noong Oktubre 2024 sa joint operation ng mga awtoridad sa Navotas nitong Oktubre 22.

Kinilala ang suspek na si alyas “Lupin”, 35, fishnet maker, residente ng Brgy. Tangos South, Navotas.

Sa report, isinilbi ang WOA sa suspek bandang 1:30 ng madaling araw ng tracker team ng Provincial Intelligence Unit sa pangunguna ni PLTCOL Russel Dennis Reburiano na may koordinasyon sa Bulacan 1st Provincial Mobile Force Company at Navotas police station.

Nabatid na ang WOA sa kasong two counts of murder ay inisyu ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 11, Malolos City, Bulacan noong February 20, 2025 na walang inirekomendang piyansa.

Sinasabing si Lupin ang isa sa apat na suspek sa pananambang at pumatay kay Ramil Capistrano, ABC President of Bulacan at kanyang driver na nagngangalang Shedrick Torbio noong Oktubre 3, 2024 sa Brgy. Ligas, Malolos.

Humihimas na ng rehas ang suspek sa nasabing yunit ng pulisya. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here