ALAM ba ninyo na may isang unibersidad sa Metro Manila na umusok ang bubong nang hindi nalalaman ng mga mag-aaral?
Nalaman na lang nilang umusok iyon nang may makita silang bumbero na umakyat at umayos sa umusok na parte.
At nalaman nilang umusok iyon dahil sa sobrang init sa tuktok ng unibersidad.
Ang leksyon sa pangyayari, may mga sunog talagang na talagang kahit walan gagawa ng apoy na tao o iba pa, gaya ng kuryente.
Dahil sa sobrang init, sapat na ang kondisyong ito para magkasunog.
Paano nga kung magkasunog ang isang eskwela sa oras na may pasok dito?
Maalaala ko nga rin pala, libong mag-aaral ang pumapasok araw-araw sa iskul na nabanggit.
PAGSASANAY AT AYUDANG BARANGAY
Tinatalakay natin ito, mga Bro, sa posibilidad na may masunog na malalaki at matataas na gusaling pang-eskwela.
Sa Metro Manila karaniwang matatagpuan ang matataas na gusaling eskwela, pribado at publiko.
At daan-daan o libo-libo ang nagkaklase sa mga oras na bukas ang mga ito, lalo na sa parte ng mga pampublikong paaralan.
Imadyinin na lang na sama-sama sa iskul ang mga day-care, kindergarten, elementary, high school, junior at senior high school.
Imadyinin din na bawat palapag, marami ang silid-aralan karaniwang puno ng 50-60 mag-aaral.
At imadyinin din na matataas ang mga pader o bakod na nakapalibot sa mga iskul ngunit nakakandado karaniwan ang mga pasukan o labasan dito bukod sa mga pang-estudyante at isang eksklusibong para sa mga titser at opisyal ng ekwela.
Isang tanong, may sapat bang panlaban sa sunog sa loob ng mga iskul at kung meron man, may pagsasanay ba sa hanay ng mga estudyante, guro at iba pa para gamitin ang mga ito?
Ipagpalagay nating may mga kontra-sunog na gamit, paano kung walang pagsasanay at wala naman talaga kung pag-uusapan ang mga nasa day-care, elementarya at lalong wala sa parte ng mga kababaihan?
May mga pagsasanay ba para sa mabilis na pagtakas sa sunog nang walang maganap na mga stampede na kung minsan, mas grabeng dahilan ng mga kamatayan at pagkakasugat?
May mahigpit din bang ugnayan ng mga iskul at mga barangay na karaniwang pinanggagalingan ng agarang ayuda sa anomang emergency at kung meron man, kasali ba sila sa pagsasanay laban sa sunog sa loob ng mga ekwela mula sa pinakamataas na bahagi hanggang sa lupa palabas sa mga pader na bakod ng mga iskul?
May mga mabilis bang komunikasyon ang mga nasa iskul sa mga barangay, bumbero, pulis at iba pang mga kinauukulan para sa mabilis at maramihang pagtutulungan laban sa sunog at pagliligtas ng mga apektadong mag-aaral at mamamayan?
Alalahaning minuto lang ang binibilang para sa pagliligtas at karaniwang ginagawa ito bago pa magsidatinangan ang mga bumbero na eksperto sa pagliligtas at pagpatay ng sunog.
Dito natin naalaala ang isang bagong-bago na iskul na nasunog dahil sa short circuit sa mga kawad ng kuryente.
Anak ng tokwa, alam ba ninyong naging tuloy-tuloy ang sunog dahil nasa loob ng nakakandadong silid ang switch at breaker para lang hindi madakma ang mga ito ng mga magnanakaw?
At natupok ang iskul.






