Home NATIONWIDE Sunog sa Navotas landfill tuluyan nang naapula

Sunog sa Navotas landfill tuluyan nang naapula

64
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Linggo na tuluyan nang naapula ang sunog sa sanitary landfill sa Navotas na nagsimula pa noong nakaraang buwan.

“Tuluyan nang naapula ang sunog sa Navotas landfill,” ayon sa Pangulo kasabay ng pagkilala sa tuloy-tuloy na operasyon ng mga responder ng pamahalaan at tulong ng pribadong sektor.

Ayon kay Marcos, walang tigil na nagtulungan ang mga bumbero, local government units, environmental teams, Department of Public Works and Highways, Department of Transportation at iba pang ahensya upang mapigilan ang paglala ng sunog.

Pinasalamatan din ng Pangulo ang San Miguel Corporation, Prime Infra at SM Prime sa pagtulong upang matiyak ang kaligtasan ng mga residenteng malapit sa apektadong lugar. Nagpasalamat din siya sa gobyerno ng Japan sa ibinigay na technical assistance para maapula ang sunog.

Eksaktong isang buwan matapos unang maitala ang insidente noong Abril 10 inilabas ang anunsyo ng Malacañang.

Hindi na operational ang landfill mula pa noong Agosto ng nakaraang taon matapos mag-expire ang prangkisa nito, bagamat sinabi noon ng pamahalaang lungsod ng Navotas na hindi ito pag-aari ng lokal na pamahalaan.

Nagdulot ang sunog ng makapal na haze na umabot sa ilang bahagi ng Metro Manila at karatig-lugar kabilang ang Obando, Bulacan.

“Ngunit hindi dito nagtatapos ang ating trabaho. Inatasan ko na ang mga kinauukulang ahensya na ipagpatuloy ang 24/7 monitoring sa lugar kabilang ang air at water quality testing, thermal scanning upang matiyak na wala nang natitirang hotspots, at health monitoring para sa mga residenteng naapektuhan at sa ating mga responders,” ayon kay Marcos.

Samantala, nakikipag-ugnayan na ang Department of Environment and Natural Resources sa Office of the Solicitor General para sa posibleng legal action laban sa mga maaaring managot sa insidente habang pinag-aaralan pa ng Department of the Interior and Local Government kung sino ang dapat papanagutin. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here