Home NATIONWIDE Kanlaon, nagliligalig; Alert Level 3, nagbabadya!

Kanlaon, nagliligalig; Alert Level 3, nagbabadya!

68
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Lunes na posibleng magkaroon ng tumitinding magmatic unrest sa Bulkang Kanlaon sa mga susunod na araw kapag nagpatuloy at lumakas ang nakikitang crater glow o “banaag” sa bunganga nito.

Sa advisory na inilabas alas-1:30 ng madaling araw, sinabi ng PHIVOLCS na mula pa noong Nobyembre 4, 2024 ay paminsan-minsan nang namomonitor sa pamamagitan ng infrared at high-resolution cameras ang invisible emissions ng superheated volcanic gas plumes mula sa summit crater ng bulkan.

Bandang alas-7 ng gabi noong Linggo, unang namataan ng Kanlaon Volcano Observatory (KVO) sa pamamagitan ng naked eye ang incandescence sa tuktok ng bulkan na dulot ng superheated volcanic gas. May mga netizen din umanong nakakita sa naturang phenomenon.

Ayon sa PHIVOLCS, ang crater glow o “banaag” ay isang “common precursor of magmatic eruption at Mayon Volcano.”

“While this is a new development, monitoring parameters have persisted in approximately the same level after Kanlaon’s last moderately explosive eruption on 15 March 2026,” ayon sa ahensya.

Nanatili umano sa anim na volcano-tectonic earthquakes kada araw ang seismic activity ng bulkan habang bahagyang tumaas ang sulfur dioxide emissions mula 1,646 tonnes kada araw hanggang 2,382 tonnes kada araw nitong nakaraang linggo. Patuloy din ang mabagal ngunit sustained inflation ng bulkan batay sa ground deformation monitoring mula pa noong 2022.

“Nonetheless, if crater glow becomes sustained and intensifies, this would indicate that magma is close to or at the crater and could warn of increasing chances of magmatic unrest within days,” babala ng PHIVOLCS.

Nananatiling nasa Alert Level 2 ang Kanlaon Volcano ngunit posible itong itaas sa Alert Level 3 kapag nagpatuloy at lumakas pa ang “banaag” na indikasyon ng posibleng magmatic eruption.

Ayon sa PHIVOLCS, maaaring magdulot ang magmatic eruption ng pyroclastic density currents, lava flows, ballistic projectiles, ashfall at rockfall na banta sa buhay.

Muli ring iginiit ng ahensya ang mahigpit na evacuation sa mga komunidad sa loob ng apat na kilometrong Permanent Danger Zone habang pinayuhan ang mga nasa PDC Hazard Zones na maging handa sa posibleng paglikas.

Pinaghahanda rin ng PHIVOLCS ang mga local government unit at disaster response agencies para sa agarang pagtugon, lalo na para sa mga senior citizen, buntis, sanggol at mga may karamdaman. Pinayuhan din ang civil aviation authorities na iwasan ng mga eroplano ang paglapit sa summit ng bulkan dahil sa panganib ng ashfall sakaling magkaroon ng biglaang pagputok. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here