Home NATIONWIDE Tarlac bettor paldo sa P25M lotto jackpot!

Tarlac bettor paldo sa P25M lotto jackpot!

67
0

MANILA, Philippines – Isang bettor mula sa Tarlac ang nanalo ng P25 milyong jackpot prize sa Superlotto 6/49 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Linggo, Mayo 10.

Nabili umano sa isang lotto outlet sa Tarlac ang winning ticket na tumama sa kombinasyong 03-16-11-04-14-38.

Samantala, wala namang nanalo sa P75 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 matapos walang makatama sa winning combination na 54-45-08-21-52-31.

Ginaganap ang draw ng Superlotto 6/49 tuwing Martes, Huwebes at Linggo, habang tuwing Martes, Biyernes at Linggo naman ang Ultra Lotto 6/58. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here