Home METRO Sunog sa Valenzuela umabot sa 2nd alarm

Sunog sa Valenzuela umabot sa 2nd alarm

MANILA, Philippines- Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay Marulas, Valenzuela City nitong Linggo.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), itinaas ang sunog sa first alarm dakong alas-12:51 ng hapon.

Umakyat ito sa second alarm ng alas-12:54 ng hapon at idineklarang under control bandang ala-1:31 ng hapon.

Tuluyang naapula ang sunog pagtuntong ng ala-1:44 ng hapon.

May kabuuang 11 fire trucks ang rumesponde sa insidente.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng pagliyab. RNT/SA