Home NATIONWIDE Solon kay Quiboloy: Hindi ka God

Solon kay Quiboloy: Hindi ka God

MANILA, Philippines- Harapin ang batas at pananagutan.

Ito ang payo ni ACT Teachers Party-List Rep. France Castro kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) church leader Pastor Apollo Quiboloy, na matatandaang tumangging sumipot sa pagdinig ng Kamara at ng Senado.

“Payo namin kay Quiboloy: Hindi ka God, ni appointed Son of God at dapat kang sumunod sa rule of law at dapat maging accountable ka doon sa mga kasong inihain laban sa’yo,” pahayag ng deputy minority leader nitong Linggo.

Tinutukoy ni Castro ang popular na titulo ni Quiboloy bilang self-proclaimed “Appointed Son of God” sa kanyang kontrobersyal na simbahan.

“Harapin mo ito sa korte at harapin mo rin ang kongreso, ang senado, doon sa pagpapatawag sayo kaugnay doon sa trabaho namin na in aid of legislation,” dagdag ng mambabatas.

Ani Castro, nahaharap ang pastor sa Department of Justice (DOJ) cases na sexual abuse of a minor at qualified human trafficking. Tungkol ang Senate probe sa criminal cases na ito laban kay Quiboloy, bukod pa sa labor violations. 

Sa Kamara, tinatalupan ang umano’y franchise violations ng television network SMNI, kung saan si Quiboloy ang honorary chairman. RNT/SA

Previous article1.7M pasahero inaasahan ng PITX sa Semana Santa
Next articleSunog sa Valenzuela umabot sa 2nd alarm