Home METRO 1.7M pasahero inaasahan ng PITX sa Semana Santa

1.7M pasahero inaasahan ng PITX sa Semana Santa

MANILA, Philippines- Tinatayang 1.7 milyong pasahero ang daraan sa Parañaque Integrated Terminal Exchange sa Holy Week, ayon kay PITX Corporate Affairs head Jason Salvador nitong Linggo.

Sinabi ni Salvador sa isang panayam na inaasahang magsisimula ang pagdagsa ng mga pasahero sa terminal sa Biyernes, Marso 22.

“We expect for the passenger (volume) to be spread out. We expect that by Friday, the influx of our passengers will begin until they return on Easter Sunday. All in all, we expect 1.7 million passengers,” pahayag niya.

Mas mataas ang bilang na ito kumpara sa inaasahang pasahero sa PITX para sa Semana Santa noong 2023 na halos 1.2 milyon.

Upang paghandaan ang dagsa ng mga pasahero sa 10-day period, inihayag ni Salvador na tinitiyak ng PITX authorities na lahat ng terminal ay may sapat na bilang ng bus units upang magserbisyo sa mga mananakay.

Aniya pa, kabilang sa mga preparasyon ang pagtitiyak na ligtas ang mga mananakay kabilang ang pagsasagawa ng road worthiness assessments ng PUVs at kondisyon ng kanilang drivers.

“We are also conducting random drug tests and breathalyzer tests […] apart from this, we are also making sure that the drivers have replacements because if they get tired, the safety of our passengers may be compromised,” anang opisyal.

Payo pa ni Salvador sa mga pasaherong uuwi sa mga probinsya galing Metro Manila at pabalik: “travel light.”

“Imagine if you have so much to carry, so many things to bring, and so many people around, you’ll be the one having a hard time. For your own convenience, let’s try to travel light,” giit niya.

Pinapayagan ang mga pasahero sa PITX na bumiyahe kasama ang kanilang mga alagang hayop.

“My request for them is to just put [their pets] in a proper carrier and if they can put a diaper on [the pets]. But we allowed it.” RNT/SA

Previous articlePDEA nagbabala vs marijuana-flavored vapes
Next articleSolon kay Quiboloy: Hindi ka God