Home NATIONWIDE PDEA nagbabala vs marijuana-flavored vapes

PDEA nagbabala vs marijuana-flavored vapes

MANILA, Philippines- Binalaan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang publiko hinggil sa paglipana ng electronic cigarettes o vape na naglalaman ng marijuana oil.

Inihayag ito ng ahensya matapos ma-monitor ang pagdami ng produkto sa buong bansa sa anti-illegal drugs operations nito kamakailan.

Ayon pa sa PDEA, ilegal ito at may hatid na banta sa kalusugan.

Giit din ng ahensya, sa pagkalat ng marijuana-flavored vapes, maaaring ma-expose ang “unknowing customers” sa addictive components nito.

“The selling and smuggling of marijuana oil cartridges indicate that there is a growing domestic demand for these products,” anang PDEA nitong Linggo.

“Considering that the vaping culture is predominantly popular among the youth, PDEA is wary that these marijuana oil can be passed off as a legitimate vape aerosol in the market and sold to the younger patrons,” paliwanag nito.

Dahil dito, pinaigting ng PDEA ang pagsisikap nitong bantayan at tukuyin ang physical at online vape shops na nagbebenta ng marijuana-flavored e-cigarettes at iba pang katulad na paraphernalia.

Hirit din nito ang kooperasyon ng regulating bodies ng bansa “to formulate tighter measures against vape stores, alongside retailers and importers, to prevent consumers from using prohibited substances.”

Kasunod ang pahayag ng PDEA ng pagsasagawa ng mga operatiba at mga pulis ng hiwalay na anti-drug operations sa Taguig City.

Nagresulta ito sa pagkakaaresto sa dalawang drug personalities at pagkakasabat ng marijuana oil at dried marijuana o “kush,” at iba’t ibang vaping devices, na nagkakahalaga ng P842,000. RNT/SA

Previous article4 sundalo patay sa tambang!
Next article1.7M pasahero inaasahan ng PITX sa Semana Santa