Home METRO 4 sundalo patay sa tambang!

4 sundalo patay sa tambang!

MANILA, Philippines- Tinambangan at pinaslang ng mga hindi natukoy na salarin ang apat na miyembro ng Philippine Army sa Maguindanao del Norte nitong Linggo.

Ayon sa post ng 6th Infantry Division, napatay ang mga biktima habang sakay ng isang civilian vehicle pabalik sa kanilang patrol base sa Tuayan 1, Datu Hoffer, Maguindanao del Sur ng alas-10 ng umaga.

Pabalik na umano ang mga biktima matapos bumili ng pagkain para sa Iftar para sa Muslim community sa kanilang lugar, na madalas nilang gawin tuwing Ramadan.

Kabilang sa mga biktima ang dalawang privates, isang private first class, at isang corporal.

“Kinokondena natin sa pinakamataas na antas ang brutal na pagpatay sa ating tropa,” giit ni 6th Infantry Division commander Major General Alex Rillera.

Aniya pa, hindi makatao ang pag-atake, lalo na at isinagawa ito sa panahon ng Ramadan at bago sumapit ang Mahal na Araw.

Naghigpit na ng seguridad sa lugar habang hindi pa nahuhuli ang mga suspek. RNT/SA

Previous articlePinas uulanin sa easterlies
Next articlePDEA nagbabala vs marijuana-flavored vapes