Home METRO Pinas uulanin sa easterlies

Pinas uulanin sa easterlies

122
0

Magdadala ang easterlies ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa buong bansa ngayong Huwebes, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Bandang alas-2 ng madaling araw, sinabi ng PAGASA na wala silang binabantayang Low Pressure Area (LPA) na posibleng maging bagyo.

Inaasahang makararanas ng maulap na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Caraga, Northern Mindanao, Davao Oriental, at Zamboanga del Norte dulot ng easterlies. Nagbabala ang PAGASA sa posibilidad ng pagbaha o pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan.

Samantala, makakaranas ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dulot pa rin ng easterlies. Posible ring magdulot ng pagbaha o landslide ang malalakas na thunderstorm.

Magiging katamtaman ang lakas ng hangin sa hilaga at silangang bahagi ng Luzon at silangang bahagi ng Visayas na kikilos mula silangan hanggang hilagang-silangan, na may katamtamang kondisyon ng karagatan.

Sa Mindanao, magiging mahina hanggang katamtaman ang hangin na kikilos mula hilagang-silangan hanggang hilaga, na may bahagya hanggang katamtamang alon sa karagatan.

Habang ang natitirang bahagi ng bansa ay makararanas ng mahina hanggang katamtamang hangin mula hilagang-silangan hanggang silangan, na may bahagya hanggang katamtamang kondisyon ng karagatan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here