Home METRO Mayon nagliligalig pa rin, nagbuga ng lava

Mayon nagliligalig pa rin, nagbuga ng lava

145
0

MANILA, Philippines – Naobserbahan ang lava effusion at pagdaloy ng lava sa Basud, Bonga, at Mi-isi gullies ng Mayon Volcano sa nakalipas na 24 oras, kasama ang minor ash emissions, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Huwebes.

Iniulat ng PHIVOLCS na nakapagtala rin ng dalawang volcanic earthquakes, 340 rockfalls, at tatlong pyroclastic density current signals. Nakikita rin umano ng mata ang crater glow na inuri bilang “fair.”

Nakapagtala rin ang ahensya ng sulfur dioxide emissions na umabot sa 2,504 tonelada noong Miyerkules, habang ang katamtamang ash emission ay umabot sa taas na 600 metro mula sa bunganga ng bulkan at kumilos patungong west-southwest at southwest.

Napansin din ng mga state volcanologist ang ground deformation, na nagpapahiwatig na nananatiling inflated ang estruktura ng bulkan.

Nananatili ang Mayon Volcano sa Alert Level 3, na nangangahulugang may intensified unrest at magmatic activity. Ipinagbabawal pa rin ng PHIVOLCS ang pagpasok sa loob ng 6-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) at ang pagpapalipad ng anumang aircraft malapit sa bulkan.

Kabilang sa mga posibleng panganib ang rockfalls, landslides, avalanches, ballistic fragments, lava flows at lava fountaining, pyroclastic density currents, moderate explosions, at lahar sa panahon ng malakas at matagal na pag-ulan. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here