Home METRO SK Chairman utas sa dalawang nakabanggang motor

SK Chairman utas sa dalawang nakabanggang motor

ILOCOS SUR-Tigok ang isang 23-anyos na SK Chairman matapos bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa dalawang motorsiklo sa Brgy. Sidaoen, Sta. Cruz ng lalawigang ito bandang 12:59 ng madaling-araw ngayong araw, Mayo 17.

Kinilala ng Sta. Cruz Municipal Police Station ang naturang SK Chairman na si Jhonnel Marquez Cortez, walang asawa, residente ng naturang lugar.

Nakasakay ng Mio 125 motorcycle at patungo ng hilagang direksyon si Cortez nang mangyari ang insidente.

Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, mula sa outer lane ay tinangka umano ng driver na lumipat ng inner lane ngunit sa paglipat nito ay nawalan ito ng kontrol sa sasakyan hanggang sa sumemplang ang motor nito sa kalsada at aksidenteng bumangga sa Kawasaki Barako 155 motorcycle na papunta ng opposite direction na minamaneho ni Ruel Hagacer Hagacer, 35, may asawa, construction worker, residente ng Brgy. San Tiburcio, Salcedo , Ilocos Sur.

Pagkatapos nito ay nakabangga rin ng Mio 125 ang Honda CCG125 motorcycle na papunta rin ng timog na direksyon na minamaneho ni Some Ungria Gonzales, 42, walang asawa, magsasaka, residente ng Brgy. Lalong, Sta. Cruz, Ilocos Sur.

Ang driver ng Mio 125 ay agad na isinugod sa Sta. Lucia District Hospital sa Sta. Lucia, Ilocos Sur ng mga rumespondeng PNP at MDRRMO personnel.

Gayunman, ang driver ng Mio 125 ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor.

Hindi nasaktan sa naturang insidente ang driver ng Honda CCG125 samantalang ang driver ng Kawasaki Barako 155 ay nagtamo ng minor bruises sa kanyang left shoulder and legs. Rolando S. Gamoso