MANILA, Philippines – Sumiklab ang sunog sa isang mall sa Binondo, Maynila, nitong Biyernes, Disyembre 26.
Sa inisyal na ulat, nakitaan ng usok ang 999 mall Building pasado alas 11 ng umaga.
Maliban sa mga empleyado ng mga stores o stalls sa loob ng nasabing mall ay may mga mangilan-ngilan pa lamang na pumapasok o namamasyal na nagtakbuhan palabas ng establisyimento.
Agad namang nakaresponde ang mga bumbero upang apulahin ang sunog na umabot sa ikalawang alarma.
Bilang pag-iingat sa kaligtasan ng mga kostumer at empleyado, nagsagawa na rin ng evacuation ang pamunuan ng mall.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection sa pinagmulan ng sunog gayundin ang lawak ng pinsala na dulot ng sunog at wala ring iniulat na nasaktan sa insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden