Home NATIONWIDE VM Atienza nagdiwang ng Pasko kasama ang mga batang lansangan, senior citizen...

VM Atienza nagdiwang ng Pasko kasama ang mga batang lansangan, senior citizen sa Maynila

275
0

MANILA, Philippines – “KAYO ang bida ngayon.”

Ito ang nasambit ni Manila Vice Mayor Chi Atienza makaraang magdiwang ito ng Pasko kasama ang mga batang-lansangan at mga senior citizen na walang tirahan at kasalukuyang nasa pasilidad ng Manila Boys Town Complex sa Marikina City.

Unang tinungo ni VM Atienza, kasama ang Jollibee mascot, ang nasa 160-kabataan upang magbigay kasiyahan kung saan namahagi ang bise alkalde ng mga regalo at pagkain sa mga ito.

“Gusto ko happy kayo today. Kayo ang bida sa araw na ito. Sana mag-enjoy kayo sa munting handog namin. Basta lagi ninyong tatandaan, andito kami para sa inyo. Merry Christmas sa inyong lahat,” pahayag ng bise-alkalde sa mga kabataan.

Matapos nito ay nagtungo naman si VM Atienza sa Luwalhati ng Maynila-Home for the Aged, na matatagpuan din sa nasabing lugar, na tinutuluyan ng 600 mga seniors upang isa-isang kumustahin ang kanilang kalagayan at makipag-kuwentuhan.

“Napaka-special ng araw na ito dahil kasama ko kayo. Alam niyo naman na malapit ang puso ko sa inyo, at hindi kumpleto ang Pasko namin kung hindi namin kayo madadalaw,” ani Atienza.

“Gusto naming iparamdam sa inyo na hindi kayo nakakalimutan. Mahal na mahal namin kayo ni Mayor Isko Moreno Domagoso, mga Lolo at Lola. Kayo ang dahilan kung bakit kami nagsisikap sa serbisyo,” sabi pa niya sa mga seniors.

Pinasalamatan naman ni VM Atienza sa mga social workers, caregivers, at mga staff ng Home for the Aged na nasa ilali ng pangangasiwa ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) sa pamumuno ni Director Jay Reyes Dela Fuente, na nagsa-sakripisyo at matiyagang pinagsisilbihan at pinangangalagaan ang mga matatanda sa loob ng maraming taon kahit sa araw ng Pasko. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here